Patuloy na pinagkakatiwalaan ng publiko sina Pangulong Ferdinand Marcos Jr. at VP Sara Duterte sa kabila ng pagbaba ng kanilang performance rating.
Base sa inilabas ngayong araw na Boses ng Bayan nationwide public satisfaction survey mula sa RP-Mission and Development Foundation Inc. (RPMD), lumalabas na nananatiling kontento ang mga Pilipino sa pamamahala ni PBBM kahit na bumaba ang kaniyang performance rating sa 77% mula sa 82% na kaniyang nakuha noong ikalawang quarter.
Habang si VP Sara naman nasasangkot sa kontrobersiya sa confidential funds, bumaba din ang kaniyang performance rating ng 10 percentage points mula sa 86% sa 76%.
Samantala sa pinakabagong trust ratings ng dalawang pinakamataas na opisyal ng bansa ay bahagyang bumaba naman ang trust ratings ni PBBM sa 82% mula sa 86% habang si VP Sara naman ay nasa 835 na bumaba din ng 7 percentge points mula sa 90%.
Ipinaliwanag naman ni Dr. Paul Martinez, executive director ng RPMD na ipinapakita ng naturang datos na malugod na tinanggap ng mayorya ng mga Pilipino ang mga ginagawang inisyatibo at ang liderato ni PBBM.
Sa kabila naman ng pagbaba ng performance at trust rating ni VP Sara, nagpapakita ito ng kapansin-pansing porsyon ng populasyon na sang-ayon sa kaniyang aksiyon at istilo ng kaniyang pamamahala.