-- Advertisements --

Muling nagkasama ngayong araw sina Pangulong Ferdinand Marcos Jr at Vice President Sara Duterte sa Commencement Exercises ng PNPA Layag-Diwa Class of 2024 na ginanap sa Silang Cavite.

Nakitang masayang nag-uusap ang dalawa at tila hindi naapektuhan sa naging banat ni First Lady Liza Marcos sa pangalawang pangulo.

Batay sa video footage at mga larawan bakas sa mga mukha ni PBBM at VP Sara na kampante parin silang dalawa.

Sa kabilang dako, hindi pa rin naglalabas ng opisyal na pahayag si VP Sara hinggil sa mga banat sa kaniya ni FL Liza Marcos.

Una ng inihayag ng Unang Ginang na “bad shot” na sa kaniya si VP Sara dahil sa ginawa nitong pagtawa ng sinabihang bangag si Pang. Ferdinand Marcos Jr.

Matapos maipalabas ang panayam sa unang ginang, tahimik ang palasyo ng Malakanyang hinggil sa panayam.