-- Advertisements --
Wala pang balak si Pang. Ferdinand Marcos Jr. na pulungin ang National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC) ngayong kasagsagan ng Bagyong Enteng at Habagat.
Dahilan ng Pangulo ito ay dahil abala ngayon sa kanilang trabaho ang NDRRMC sa pagtugon sa epekto ng bagyong Enteng.
Sinabi ng Pangulo na palagian niyang polisiya na huwag istorbohin ang kaukulang mga ahensya sa gitna ng krisis.
Aniya, regular namang nagbibigay ng update ang mga ito tungkol sa sitwasyon sa bawat lugar.
Paliwanag pa ni Pang. Marcos, pumapasok lang sila kapag mayroong mga abiso na kailangang agarang maiparating sa publiko gaya ng suspensiyon ng klase at pasok sa trabaho.