-- Advertisements --

Balik bansa na si Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. matapos ang produktibong working visit sa United Arab Emirates (UAE).

Sa arrival statement ng Punong Ehekutibo, sinabi nitong muling pinagtibay ng Pilipinas Ang commitment nito para sa lalong pagpapalakas ng bilateral ties sa UAE.

Kalakip din sa mensahe ng Pangulo ang pag- asa nitong maipatupad ang napagkasunduang bilateral agreements na may kinalaman sa kultura, energy transition, legal cooperation, artificial intelligence, digital economy at iba pa.

Ibinahagi din ng Pangulo ang pagpapasalamat ng pamahalaang Pilipinas Kay UAE President His Highness Sheikh Mohamed bin Zayed Al Nahyan dahil sa pangangalaga at respetong ibinibigay nito sa mga Pilipino sa UAE.

Kasama din sa ipinagpasalamat ng Pangulo kay Sheikh Al Nahyan ang ibinigay nitong pang- unawa para sa kanyang maikling pagbisita Sahil nandin sa Marami pang dapat gawing reconstruction activities sa MGA Lugar na tinamaan ng nagdaang mga bagyo.

Nagpahatid din ng kanyang pasasalamat ang Pangulo sa UAE Government kaugnay ng ipinahatid nitong humanitarian support para sa MGA nabiktima ng kalamidad.

Dagdag ng Pangulo na kanya ding Inimbitahan si Sheikh Al Nahyan na muling bumisita sa Pilipinas sa mga darating na buwan upang ipagpatuloy ang kanilang talakayan at mula duon ay tuklasin ang iba pang mga larangan ng kooperasyon sa pagitan ng Pilipinas at UAE.