-- Advertisements --
Naniniwala si Vice President Sara Duterte na nabigo si Pangulong Ferdinand Marcos Jr. na pamunuan ang Pilipinas.
Ginawa ng pangalawang pangulo ang pahayag kasunod ng pagdalo ng bise sa isinagawang gathering sa The Hague ng mga tagasuporta ni FPRRD.
Ayon sa bise, hindi naipakita ni PBBM sa taumbayan na maayos itong mag isip at kayang pamunuan ang bansa.
Si FPRRD ay kasalukuyang naka detene sa International Criminal Court matapos na maaaresto sa Pilipinas sa kasong Crime Against Humanity.
Ito ay may kaugnayan sa madugong war on drugs ng nakalipas na administrasyon.
Sa ginanap na rally ay ipinanawagan ng mga taga suporta ng dating pangulo ang agarang pagpapalaya nito.