Binati ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr., si Pinoy gymnast Carlos Yulo matapos makuha ang kauna-unahang gold medal ng Pilipinas sa Paris 2024 Olympics.
Pinuri si Yulo bilang unang Filipino male gold medalist para sa kaniyang performance sa floor exercise sa men’s artistic gymnastics.
“Congratulations, Caloy! The entire country stands proud with you!” pahayag ng Pang. Marcos Jr. sa kaniyang social media post.
“I am confident that it will not be the last,” dagdag pa ng Pangulo.
Sa kabilang dako, nagpa-abot din ng kaniyang pagbati si First Lady Liza Marcos.
“Congratulations, Carlos Yulo!” mensahe ni First Lady Liza Marcos.
“Got goosebumps as Lupang Hinirang played at the arena! We are so proud of you!”
Nakasaad sa Republic Act 10699 or the National Athletes and Coaches Benefits and Incentives Act,” ang mga gold medalist sa international sports competitions ay tatanggap ng P10 milyon mula sa gobyerno, ang mga silver medalist ay makakatanggap ng P5 milyon, habang ang bronze medalists ay makakakuha ng P2 milyon.