Personal na sinaksihan ni Pangulong Ferdinand Marcos jr ang paglagda ng Dept of Education at Dept of Budget and Management sa joint memorandum circular para sa pagtatatag ng child development centers (CDCs).
Sa ilalim ng CDC program, inaasahan na mas mapahuhusay ang early childhood care at development facilities para sa mahihirap na barangay sa bansa.
Sa kaniyang mensahe, sinabi ng Pangulo na hanggang marso ngayong taon, mayroon pang 3800 na mga barangay ang wala pang CDC.
Inatasan na aniya niya ang DBM na gawing prioridad ang pagpopondo para sa pagtatayo ng CDCsa mga barangay na ito kung saan aniya pwedeng makapag laro, makapagbasa at makapag aaral ang mga bata upang mapabuti ang kanilang edukasyon.
Ayon sa pangulo, bibigyan ng pondo ang 328 na mga barangay na may mababang kita para maka access sa early childhood programs ng CDC, kung saan 89 dito ay sa Luzon, 106 sa Visayas at 133 sa Mindanao at BARMM.
Ang mga cdc ay magsisilbi aniyang resource hubs para sa early learning programs ng mga bata, family support services at research o pananaliks hinggil sa child development, para epektibong matugunan ang kasalukuyang pagkukulang o gaps sa early childhood care.
Nagsilbi din si PBBM ng story teller sa may 30 daycare students na tatlo hanggang limang taong gulang kung saan niya binasahan ng isang maikling kwento ang mga bata na may pamagat na ang Limang Tuta at iniakda ni Eugene Evasco.
Aminado ang pangulo na tila nabuhay at nabigyan ng sigla at saya ang palasyo dahil sa presensiya roon ngayong araw ng mga bata.