Binigyang pugay ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang mga Overseas Filipino Workers sa Lao People’s Democratic Republic.
Sa kanyang talumpati sa pagharap sa daan-daang miyembro ng Filipino Community sa Laos, kinilala ng Pangulo ang kanilang kontribusyon kabilang ang mga guro na naghuhulma sa mga magiging lider ng nasabing bansa sa hinaharap, mga ihinyerong nagpapatatag sa kanilang economic security, at hospitality providers na naghahatid ng natatanging serbisyong kanilang natutunan mula sa Pilipinas.
Kasama rin ang executives na nagpapasigla sa kanilang business community tungo sa paglikha ng mga oportunidad para sa kalakalan at investments, at iba pang experts at professionals na nagbabahagi ng kanilang husay at kakayanan para sa pag-unlad ng lipunan.
Ayon kay Pang Marcos na damang-dama ang magandang kalibre at mataas na pagtingin ng mga taga-laos sa mga pinoy, at sila umano ang patunay na nangingibabaw ang galing ng Pilipino saanman sa mundo.
kaugnay dito, pinayuhan silang ipagpatuloy ang pagiging ambassadors ng kagandahang-asal ng Pilipino.