Binigyang pugay ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr si First Lasy Liza Araneta-Marcos ngayong araw ng Mother’s Day.
Sa isang mensahe ng Punong Ehekutibo, kaniyang binigyang pagkilala ang lakas, compassion at dedikasyon na ipagtanggol ang kanilang pamilya.
Kaya giit ng Pangulo na swerte sila sa Unang Ginang na palagiang nasa kanilang tabi.
“To this dear lady, who not only fills our home with love but stands ready to defend her family at any turn—happy Mother’s Day! We are incredibly lucky to have you by our side. Your strength and compassion not only safeguard our family but also uplift our entire nation,” mensahe ng Pangulong Marcos.
Ang Unang Ginang ay kilala sa initials na LAM at loving mother sa kaniyang tatlong anak na sina Ferdinand Alexander (Sandro), Joseph Simon, at William Vincent (Vinny).
Sa mga dating panayam sa First lady kaniyang inihayag na siya ay isang “cool mom” kung saan ang tawag sa kaniya ng kaniyang mga anak ay “mother smother.”
Sa naging pahayag din ng First lady na ang kaniyang trabaho ngayon ay tiyakin na ang mga taong nakapaligid sa kaniyang asawa ay trustworthy o mapagkakatiwalaan.
Si First Lady ang in-charge sa maintemance ng Palasyo kung saan kaniyang tinitignan na maayos ang state of the halls, holding rooms, at ang kusina.
May mga proyekto din na pinangungunahan ang Unang Ginang sa labas ng Palasyo ng Malakanyang.