-- Advertisements --
Biyaheng Leyte ngayong araw ng Biyernes si Pangulong Ferdinand Marcos Jr, na siyang unang out of town na biyahe para sa taong 2025.
Pangungunahan ng Pangulo ang ceremonial turnover ng walong na-kumpletong Yolanda permanent housing projects sa Leyte, Samar, at sa Biliran.
Alas-diyes ng umaga inaasahang darating ang Pangulo sa bayan ng Burauen para sa briefing sa pag-turnover ng mga pabahay.
Nasa 3,517 housing units ang ipagkakaloob sa mga pamilyang nasalanta ng super typhoon Yolanda noong 2013, kung saan ang 1,963 units ay tinitirahan na ng mga benepisyaryo.
Makakasama ng Pangulo sa event sina National Housing Authority General Manager Joeben Tai, House Speaker Martin Romualdez, at iba pang opisyal.