Bukas si Pangulong Ferdinand Marcos Jr., sa mungkahi ni Vietnamese Prime Minister Pham Minh Chinh na magkaroon ng 5-year Rice Importation Agreement sa pagitan ng Pilipinas at Vietnam na layong mag stabilize sa suplay ng bigas sa bansa at mapababa ang presyo nito sa merkado.
Bukod sa Vietnam nag-alok din ang Cambodia na mag-angkat ng bigas sa kanilang bansa na layong matugunan ang kakulangan ng suplay sa bigas.
Inihayag ni Pang. Marcos kay Pham na mahalaga ang pangmatagalang kasunduan dahil magbibigay ito ng katiyakan sa pag stabilize sa sitwasyon hindi lang sa Pilipinas kundi maging sa buong rehiyon.
Binigyang-diin ng chief executive na magpapatuloy ang pag-uusap ng dalawang bansa hanggang sa magkaroon ng kasunduan hinggil sa pag-aangkat ng bigas.
Sa unang limang buwan ng kasalukuyang taon, nasa 1.5 million tonelada ng bigas ang inangkat na bigas ng Pilipinas mula sa Vietnam na nagkakahalaga ng US$772.4 million.
“But we will work continuously. We have managed what we have before [inaudible] to an agreement in terms of the rice importation by the Philippines and I am very confident that we will once again come to a consensus and agree,” pahayag ni Pang. Marcos.
Bukod sa usaping bigas, natalakay din ng Pangulo ang pagkakaroon ng fishery and maritime cooperation ang dalawang bansa.
Nagkasundo din ang Pilipinas at Vietnam na walang magiging problema ang mga mangingisda ng dalawang bansa.