Bumiyahe na na si Pangulong Ferdinand Marcos Jr. patungong Brunei Darrusalam para sa kanyang kauna unahang state visit sa Brunei Darussalam.
Sa kanyang departure statement sinabi ng pangulo na hitik ang kanyang dalawang araw na pagbisita sa naturang bansa.
Sisimulan ang kanyang biyahe sa pulong kasama si Brunei Sultan Hassanal Bolkiah upang pagusapan ang mga bilateral cooperation ng dalawang bansa.
Natakdang pulungin din ng pangulo ang Brunei Business leaders sa isasagawang business forum sa pagasang makalikom ng investment at trabaho sa mga Pilipino.
Makikipag kita din ang pangulo sa Filipino Community sa Brunei.
Binanggit din ng pangulo ang paglagda ng ilang memorandum of agreement sa larangan ng agrikultura,food security, maritime cooperation at tourism.
Umaasa ang Pangulo na magiging mabunga ang kaniyang biyahe sa Brunei kung saan lalo pang palalakasin ng dalawang bansa ang kanilang bilateral ties sa usaping pang depensa, turismo at agrikultura.