-- Advertisements --

Ipinag-utos ni Pang. Ferdinand Marcos Jr., ang pagbuo ng inter-agency coordinating council na siyang inatasang mag consolidate sa master list sa lahat ng lupain na pag-aari ng gobyerno.

Ang nasabing hakbang ay layong palakasin ang Philippine Development Plant of 2023-2028.

Batay sa inilabas na Administrative Order No. 21 na nilagdaan ni Executive Secretary Lucas Bersamin nuong April 30,2024, kung saan binigyang-diin ng Punong Ehekutibo, upang matiyak ang episyente at epektibong allocation at utilization ng land resources para sa national development goals ng bansa, mahalaga na i-consolidate ang isang komprehensibong listahan para sa lahat ng lupa ng gobyerno.

Ang Coordinating Council ay binubuo ng Office of the Executive Secretary, DILG, DA, Office of the Solicitor General, DOJ, Land Registration Authority, CHED at DICT.

Ang DENR-Land Management Bureau ay siyang magsisilbing Secretariat ng Coordinating Council.