-- Advertisements --
BBM sara malacanang

Iminumungkahi ni Albay 2nd District Rep. Joey Salceda na kilalang ekonomista na kailangan ngspecial powers si Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. para tugunan at i-manage ang ekonomiya sa kabila ng patuloy na pagtaas ng inflation rates sa bansa.

Sinabi ni Cong. Salceda kaniya ng isinumite kay Leyte Rep. Ferdinand Martin Romualdez na siyang presumptive Speaker ng House of Representatives sa 19th Congress ang kaniyang suhestiyon na na nakapaloob sa Bayan Bangon Muli package mag integrate ng isang set of special powers sa para mapigilan pa ang pagsirit o pagtaas ng presyo ng mga commodities.

Kabilang sa powers na ibibigay sa Pangulo sa ilalim ng Bayan Bangon Muli package ay maaring sa pamamagitan ng isang Batas at ito ay ang mga sumusunod: Anti-hoarding powers, Powers to incentivize production, Powers to provide loans and guarantees for suppliers of essential goods; Anti-price-gouging powers, Motu proprio powers to investigate for possible market abuse in the energy and essential goods sectors; Transport emergency powers at Power to mobilize uniformed personnel to expedite programs and projects.

Iminungkahi din ni Salceda ang pag integrate sa “agriculture and food security sa mga government training programs, palawakin ang DA farmer assistance programs, at magkaroon ng mekanismo para i manage sobrang pagkain at maiwasan na maaksaya ito.

Ang special powers ng Pangulo ay tatagal ng 18 buwan sakaling pinagtibay na ito.

Sa panahong magiging epektibo ang proposal, maaari din i require ni PBBM ang minimum petroleum inventory at pagpapaliwanagin ang mga petroleum companies sa mga significant na pagbabago ng presyo.

Una ng iniulat ng Philippine Statistics Authority (PSA) na ang inflation rate ng bansa ngayong June 2022 ay umabot sa 6.1 percent.

“I have also proposed means to expand supply through MSME assistance. We hope to make it easier for MSMEs supplying critical goods to register and [set up] shop by reducing documentary and administrative requirements, most
irritatingly including now-useless requirements such as the cedula,” pahayag ni Salceda.