Binigyang-diin ng Pang Marcos ang kahalagahan na protektahan ang soberenya ng bawat bansa kasunod ng nagpapatuloy na giyera sa pagitan ng Russia at Ukraine.
Ayon kay Pangulong Marcos dapat igalang ang soberanya at teritoryo ng bawat isang bansa sa mundo.
Suportado naman ng Pilipinas ang mga resolusyon na inilabas ng United Nation kaugnay sa giyera sa Ukraine.
“And that we respect the sovereignty and territoriality of every single nation in the world. And that applies most certainly because they are in this incredibly critical situation where there is an outright war going on,” wika ni Pang. Marcos Jr.
Una ng inihayag ng Chief Executive na dapat matigil na ang Russia-Ukraine conflict dahil malaki ang epekto nito sa ekonomiya.
Aniya, dapat magtulungan din ang mga bansa para maibalik ang kapayapaan sa Ukraine.
“I think we are in full agreement that we must continue to protect the sovereignty, not just sovereign rights, but the sovereignty of each nation, no matter where they are and that the situation in Ukraine cannot continue and it is something that is really anachronistic in the modern world,” pahayag ni Pang. Marcos Jr.