Nagpa-abot si Pang. Ferdinand Marcos Jr. ng panalangin para sa kalakasan at paggaling ni Pope Francis.
Sa social media post, nagpahayag ng kalungkutan ang Pangulo sa pagkakasakit ng Santo Papa.
Ayon kay Pang. Marcos, ipinagdarasal niyang palakasin at pagalingin ng Panginoon si Pope Francis.
Ito’y para maipagpatuloy daw maipagpatuloy ang kanyang misyon ng pananampalataya at pagmamahal sa sangkatauhan.
Una rito, nanawagan ang CBCP sa publiko na ituloy ang panalangin para sa Santo Papa na ngayo’y nasa kritial na kondisyon.
Kung matatandaan, nasa ospital ngayon si Pope Francis makaraang makaranas ng prolonged asthma-like respiratory crisis.
Kinakitaan na rin ito ng early kidney failure.
“Nakakalungkot na marinig ang malubhang karamdaman ni Pope Francis. Sa mga sandaling ito, kaisa tayo ng buong mundo sa panalangin para sa kanyang kalakasan at paggaling,” mensahe ni Pangulong Marcos.
Umaasa ang pangulo na patuloy na patnunubayan at palakasin ng Panginoon si Pope Francis, upang maipagpatuloy aniya nito ang misyon ng pananampalataya at pagmamahal sa sangkatauhan.
“Nawa’y patuloy siyang patnubayan at palakasin ng Panginoon upang magpatuloy sa kanyang misyon ng pananampalataya at pagmamahal sa sangkatauhan,” dagdag pa ng Pangulong Marcos.