Tiniyak ng Malakanyang na hindi apektado si Pangulong Ferdinand Marcos Jr sa pagsadsad ng kaniyang trust and approval rating batay sa pinaka latest na suvey.
SIniguro ng Palasyo na patuloy sa pagganap sa kaniyang tungkulin ang Pangulong Marcos na mabigyan ng maayos na buhay ang sambayanang Pilipino.
Ayon kay Palace Press Officer USec Claire Castro ang nasabing survey ay naisakatuparan sa pamamagitan ng partisipasyon ng 2, 400 na respondents, ngunit hindi ito kumakatawan sa pangkalahatang sentimyento ng buong Pilipinas.
Gayunpaman, dapat aniyang malaman ang mga factor ng nakaapekto sa pananaw ng mga respondent, tulad impormasyong nakakarating sa mga ito, kung napapaabot ba sakanila ang mga programa ng pamahalaan, o kung apektado ba ng fake news ang mga ito.
Si Pangulong Marcos naman aniya, anoman ang maging resulta ng survey tuloy lamang sa trabaho, sa paggawa ng tama, at sa kung ano ang minamandato ng batas, at hindi kung ano ang dinidikta ng iilan.