-- Advertisements --

Wala sa agenda ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr., na magpatupad ng martial law at humangad ng term extension kasunod ng isinagawang reorganization sa National Security Council (NSC).

Reaksiyon ito ni Executive Secretary Lucas Bersamin sa alegasyon na ibinabato ni dating Presidential chief legal adviser Atty. Salvador Panelo na ang nasabing hakbang ng Pangulo ay paghahanda para magpatupad ng martial law sa bansa dahilan tinanggal nito si VP Sara bilang panel ng National Security Council.

Binigyang-diin ni Executive Secretary Bersamin naka pokus si Pangulong Ferdinand Marcos na palakasin ang ekonomiya ng bansa ng sa gayon umangat ang buhay, palakasin pa ang mga programa na naka tutok sa health and welfare ng mga mahihirap na mga Pilipino at kumpletuhin ang mga legacy projects.

Binigyang-diin ni Bersamin na mayruong karapatan ang Pangulo pumili kung sino ang nais niya makasama at hindi na siya komportable pa na magtrabaho.

Binanatan din ni Bersamin si Panelo na walang moral ascendency na magsabi dahil nuong siya nasa pwesto sa nakaraang administrasyon kaniya din iminungkahi na tanggalin bilang panel ng NSC si dating Vice President Sara Duterte.

” What he has in mind is the economic prosperity of the country, the health and welfare of the people, especially those who are in the lower classes, and the prioritization of his legacy projects. It’s not about martial law. It’s not about extending himself in power. No, he has no thinking about that. He does not even think in those terms,” pahayag ni Bersamin.