Hindi itinuturing ni Pangullong Ferdinand Marcos Jr., na armed attac ang insidente nuong June 17 sa Ayungin Shoal kung saan sinadyang gamitan ng matinding pwersa ng China Coast Guard ang mga sundalo ng Pilipinas na nagsasagawa ng rotation and resupply mission sa BRP Sierra Madre.
Sa isang panayam sinabi ng Pangulo, na hindi maituturing na pag-atake dahil hindi naman tinutukan ng armas ang mga tropa at walang baril na pumotok sa nasabing insidente.
Gayunpaman sinabi ng Presidente, hindi katanggap-tanggap ang aksiyon ng China laban sa mga troipa ng AFP.
Ayon sa Pangulo, patuloy ang paghahain ng protesta ng Pilipinas laban sa mga agresibong aksiyon ng China Coast Guard sa West Philippine Sea.
Dinipensa naman ng Pangulo ang unang naging pahayag ni Executive Secretary Lucas Bersamin na sinabing nagkaroon ng misunderstanding sa pagitan ng Pilipinas at China Coast Guard.
Siniguro ng Pangulo na patuloy na igiit ng Pilipinas ang sovereign rights nito sa West Philippine Sea dahil ang Ayungin Shoal ay bahagi ng exclusive economic zone ng Pilipinas.