Dahil sa nakaka-alarma at kaduda-dudang interes ng grantee na si Li Duan Wang dahilan na vineto ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr ang panukalang batas ang House Bill No 8899 o ang An Act Granting Philippine Citizenship to Li Duan Wang.
Ayon kay Palace Press Officer USec Claire Castro, sa veto message ng Pangulo sinabi nito na hindi siya dapat magbulag-bulagan sa mga ulat na ibinahagi ng mga concerned agencies kaugnay sa pagkatao ng grantee.
Sinabi ni Castro na binigyang-diin ng Pangulong Marcos na ang Filipino citizenship ay isang pribilehiyo at hindi ipinamimigay nang basta-basta at hindi rin ito dapat gawing kasangkapan upang pagbigyan ang pagsulong ng mga kaduda-dudang interes.
Dagdag pa ng Palace Press Officer hindi kumbinsido si Pangulong Marcos na gawaran ng Filipino Citizenship si Li Duan Wang lalo at may kaduda-dudang interes ang grantee sa kabila ng pagsusulong ng karamihan ng mga senador.
SI Li Duan ay nasasangkot sa operasyon ng POGO sa bansa kung saan natukoy na siya ay isa sa mga incorporator.
” Unang-una po, nais ipaalam ng Pangulo na kung may mga kaduda-dudang interes at hindi naman po bingi ang ating Pangulo para dinggin at pakinggan kung ano iyong kaniyang mga nakukuhang mga data or facts about supposed to be grantee. So, kung nagkaroon man ng desisyon ang Kongreso na patawan or bigyan ng Philippine citizenship itong si Li Duan Wang, hindi po kumbinsido ang Pangulo. At iyon lamang po, hindi natin ipamimigay ang Philippine citizenship kung may mga kaduda-dudang interes iyong tinatawag na grantee,” pahayag ni USec. Claire Castro.