Hindi na ikinagulat ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang pag-alma ng China sa ipinasang dalawang bagong kambal na batas ang Philippine Maritime Zones Act at Archipelagic sea lanes law.
Reaksiyon ito ng Pangulo matapos nagbabala ang China na ang ipinasang dalawang batas ay maaaring magpalala pa ng tensyon sa bahagi ng West Philippine Sea.
Gayunpaman, nanindigan si Pangulong Marcos na kailangang ipagpatuloy na protektahan ang soberanya at sovereign rights ng bansa.
Mahalaga rin umano ang dalawang batas dahil ito ang tumutukoy sa boundaries o teritoryong nasasakupan ng Pilipinas.
Kung maalala, tinawag na iligal at invalid ng Chinese Foreign Ministry ang umano’y tangkang pag-whitewash ng Pilipinas sa illegal claims at mga aksyon sa West Philippine Sea at ipinatawag na rin nito ang Ambassador ng Pilipinas sa China.
” Well, it’s not unexpected but we have to define closely… Marami tayong sinasabi that we have to protect our sovereign rights and our sovereignty.
So, it serves a purpose that we define closely what those boundaries are, and that’s what we are doing,” pahayag ni Pang. Ferdinand Marcos Jr.