Tiniyak ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr., na kailanman hindi niya papayagan na ang Pilipinas ay gagamitin bilang “staging post” sa anumang uri ng military action.
Ito ang sagot ng Pangulo ng tanungin siya kaugnay sa ano ang kaniyang pananaw sa role ng Pilipinas sa Indo-Pacific region.
Binigyang-diin naman ng Pangulo na hindi manghihikayat ng anumang provocative actions ang Pilipinas.
Ang pahayag ng Pangulo ay kasunod sa katatapos lamang ng Balikatan Exercise 2023 na layong palakasin ang defense interoperability sa pagitan ng mga sundalong Pilipino at Amerikano.
Una ng nilinaw ng Chief Executive na ang dagdag na EDCA sites ay hindi gagamiting bilang offensive actions.
” Simple lang ang goal natin sa Pilipinas, we work for peace. We’ll not encourange any provocative action by any country that involves. We will not allow the Philippines to be used as a staging post for any kind of military action,” pahayag ni Pang. Marcos Jr.
Sa kabilang dako, inihayag ng Pangulo na ang ASEAN ay mayruong significant role sa pagpapanatili ng kapayapaan sa rehiyon.
“I think the best move for us is to stay within ASEAN, keep ASEAN solid, strong, and united,” pahayag ng Pang. Marcos Jr.
Dagdag pa ng Pangulong Marcos Jr., ” So that, if that’s the case, if we are at least, we have a consensus and areas of agreement then it will remain strong and that will be that ASEAN will still be the one to conduct and to lead the political fortunes of all the other countries around Asia.”
Ipinunto ng Pangulo na nais lamang ng Pilipinas ng kapayapaan sa rehiyon at wala itong balak na dagdagan pa ang teritoryo ng bansa.