-- Advertisements --

Dinipensa ni Pang. Ferdinand Marcos Jr. panonood nito ng concert ng Coldplay sa Philippine Arena sa Bulacan.

Sa ambush interview sa Presidente kaniyang dinahilan ang pagka hilig nito sa musika kaya hindi dapat palagpasin ito.

Ayon sa Chief executive, nag-aral din siya ng musika sa mahabang panahon kaya hilig niya ito.

Binigyang-diin ng Pang. Marcos, ‘unmissable’ o hindi maaaring palampasin ang konsiyerto ng Coldplay.

Hindi maitago ng Presidente ang labis na paghanga sa British rock band na inilarawan nitong spectacular ang naging performance.

Hindi naman binanggit ni PBBM ang tungkol sa pagsakay niya ng chopper sa panonood ng concert.

Dinipensa naman ng Presidential Security Group ang paggamit ng chopper ng Pangulo at ng pamilya nito patungo sa concert.