Dinepensa ni Pang. Ferdinand Marcos Jr., ang isinusulong nito na Rightsizing program sa executive branch.
Ayon sa Pangulo hindi ito hakbang para mag-terminate ng mga manggagawa sa gobyerno kundi panahon na para i-upskill at i-reskill ang government workers para lalo pang mapabuti ang pagbibigay serbisyo ng gobyerno sa publiko.
Sa sectoral meeting na pinangunahan ng Pangulo kanina sa Malacañang tinalakay dito ang rightsizing program.
Iniutos na ng Pangulo na magsagawa ng assessment sa kasalukuyang set up sa executive branch upang matukoy kung mayroong redundant positions at functions na maaring i merged o pag-isahin.
Siniguro naman ng Pangulo na ang government rightsizing ay para mapalakas pa ang serbisyo ng pamahalaan.
Sa nasabing pulong binigyan ng update ng Presidential Legislative Liaison Office (PLLO) at Department of Budget and Management (DBM) si Pang. Marcos hinggil sa mahahalagang features ng panukalang National Government Rightsizing Bill.
Section 6 sa House Bill No. 7240, or the National Government Rightsizing Act, nagbibigay ito ng otorisasyon sa Pangulo na i-right size ang operasyon ng mga ahensiya sa executive branch.
Ang lehislatura, hudikatura, Office of the ombudsman, mga komisyon sa konstitusyon, at mga local government units (LGUs) ay maaari ding mag right size ng kani-kanilang mga opisina na naaayon sa mga prinsipyo at alituntunin na nakapaloob sa NGRP.
Mismong ang Pangulong Marcos ang nagsusulong para isabatas ang Natl govt rightsizing program.
Bilang tugon sa panawagan ng Pangulo ilang mga panukalang batas ang inihain sa Kamara gaya ng House Bill No. 7240 na inapbrubahan ng House of Representatives sa third and final reading nuong March 14.
Habang ang kaparehong panukala na inihain sa senado ay nanatiling nakatengga sa komite.
Para naman kay Finance Sec. Benjmin Diokno malaking tulong ang matipid ng gobyerno sa sandaling maitupad na ang rightsizing program.
Ang nasabing pondo ay mapunta sa mga makabuluhang proyekto ng pamahalaan.