Walang nakikitang dahilan si Pangulong Ferdinand Marcos Jr., na tanggalin sa kaniyang gabinete si Vice President Sara Duterte.
Ito’y kasunod sa naging banat ni First Lady Liza Marcos kay Vice President Sara Duterte.
Sa isang panayam sa Occidental Mindoro sinabi ng Pangulong Marcos na swerte siya na mayruon siyang protective na asawa.
Aniya naintidihan niya ang unang ginang na sumasama ang loob kapag siya ay binabanatan ng kaniyang mga kritiko.
” I don’t see the reason behind that. First of all, my first reaction is what a lucky husband I am that I have a wife na very protective sa akin na, kahit na, may nakitang hindi magandang sinabi tungkol sa akin, she gets very upset. We cannot blame her. It will not affect our working relationship with the Vice President, Secretary of Education. I think that she also understands (as a wife?) how the First Lady feels, when you have to sit there and listen to these attacks that are being made against your husband. But mag-uusap kami ni VP Sara tungkol diyan. Huwag niyang masyadong dibdibin, hindi naman siya ‘yung mga nagsabi ng kung anu-ano. Madali naman sigurong plantsahin lahat yung isyu,” pahayag ng Pang. Marcos.
Gayunpaman nilinaw ni Pangulong Marcos na ang pahayag ng unang Ginang ay hindi makaka-apekto sa kanilang working relationship ng Vice President.
Inihayag ng Pang. Marcos na kaniyang sinabihan si VP Sara na huwag dibdibin ang naging pahayag ng Unang Ginang dahil hindi naman ito nanggaling sa kaniya.
Gayunpaman ayon kay Pang. Marcos mag-uusap sila ng pangalawang pangulo hinggil dito upang plantsahin ang hindi pagkakaunawaan.
Ayon sa Presidente mananatiling kalihim ng Department of Education ang pangalawang pangulo dahil ginagawa naman ni VP Sara ang kaniyang trabaho.
Ipinunto ng Punong Ehekutibo na kapag hindi ginagawa ng isang kalihim ang kaniyang trabaho ay kaniya itong papalitan.
” I don’t think we need to patch anything up. She understands, as a wife herself, the sentiments of the First Lady. Our conversation will be precisely that. I’m sure you’ll understand how she feels. Ang First Lady, hindi sanay sa pulitika ‘yan e. Kami, manhid na kami diyan, sa insulto. Siya, hindi siya galing sa political family, kaya siguro she still has to learn, magpalagpas nang kaunti ng ibang masasakit at maaanghang na salita,” dagdag pa ng Pang. Marcos.