-- Advertisements --

Dismayado si Pangulong Ferdinand Marcos Jr sa mga lumalabas sa social media na klase ng pangangampanya ngayon ng ilang kandidato.

Ayon Palace Press Officer USec Claire Castro hindi katanggap tanggap sa pangulo ang mga bastos o naghahayag ng diskriminasyon sa pananalita ng mga kandidato sa kanilang mga pangangampanya.

Nanindigan aniya ang pangulo na hindi dapat nangyayari ang ganitong mga uri ng kampanya sa panahong ito.

Sinabi ni Castro, hindi dapat gawing isyu at katatawanan ng mga kandidato ang content ng kanilang kampanya na ang karaniwang paksa ay kababaihan.

Hindi rin aniya dapat pamarisan ang mga ito at hindi rin dapat gawing idolo ng publiko ang mga ganitong uri ng mga kandidato.

Iginiit ni castro na sa halip na mga bastos na naratibo, mas mabuti kung ipagpapatuloy ng mga kandidato ang pagtataguyod ng respeto, integridad at katotohan sa kanilang mga pahayag sa harap ng mga botante.

Ikinalugod naman ng Pangulong Marcos ang mabilis umaksyon ang comelec sa ganitong mga uri ng hindi katanggap tanggap na pangangampanya.