-- Advertisements --
Dumating na sa Brunei Darussalam si Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr.
Batay sa ulat ng Presidential Communications Office (PCO), bandang 10:01 ng umaga nang lumapag sa Bandar Seri Begawan International Airport ang Flight PR001 na sinakyan ni PBBM, kasama si First Lady Liza Araneta-Marcos, at ang delegasyon ng Pilipinas.
Inaasahang lalagda ang pangulo sa isang memorandum of agreement (MOU) na may kinalaman sa tourism cooperation.
Bahagi rin ng kanyang two-day state visit sa Brunei ang pakikisalamuha sa Filipino community sa nasabing bansa.
Maliban sa turismo, inaasahang mas palalakasin din ng pagbisitang ito ni Pangulong Marcos ang kooperasyon ng dalawang bansa sa usapin ng seguridad at agrikultura.