Tiniyak ni House Speaker Romualdez sa mga Pilipino na ginagawa ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang lahat para matulungan ang mga biktima ng pananalasa ang nagdaang bagyong Egay sa bansa.
Ito ay kahit pa nasa labas ng Pilipinas si PBBM para sa tatlong araw na state visit kung saan kasama sa delegasyon nito si House Speaker Romualdez doon sa Malaysia na inaasahang makakabalik sa bansa ngayong gabi ng Huwebes.
Ayon sa House leader dinagdagan pa ang mga pondo para sa relief aid at sinsubukang madagdagan pa ito para sa mga Pilipino na matinding apektado ng bagyo.
Nagpaabot din ang opisyal ng pasasalamat sa lahat ng first responders at volunteers sa gitna ng kinakaharap na kalamidad ng bansa.
Sinabi din ni Romualdez na ang mahalaga ay matulungan ang mga biktima na maibalik sa normal ang kanilang pamumuhay matapos ang sakuna.
Samantala umaabot na sa P128.5 million ang halaga ng relief goods at tulong pinasiyal ang nakalap para sa fundraising efforts na inisyatibo ni House Speaker at nina Tingog Party-list led by Rep. Yedda Marie Romualdez at Rep. Jude Acidre