-- Advertisements --

Gumawa ng kasaysayan si Pangulong Ferdinand Marcos Jr. bilang kauna-unahang presidente ng Pilipinas na personal na sinaksihan ang decommissioning ng 400 illegal firearms na nasamsam sa Basilan na sumisimbolo sa commitment ng pamahalaan at lahat ng stakeholders para sa pagkamit ng kapayapaan sa naturang probinsiya.

Sa panayam sa Pangulo, sinabi nito na bagamat simple lamang ang mga isinagawang seremoniya, ito ay simbolo ng napakahalagang araw dahil testamento ito sa commitment ng lahat ng mga stakeholder para sa kapayapaan.

Saad pa ng punong ehekutibo na siya ang kauna-unahang presidente na nagtungo sa Basilan dahil ito ay ground zero sa panahon ng labanan kayat isa itong malinaw na landmark sa progreso na ginagawa sa pagpapanumbalik ng kapayapaan sa katimugang bahagi ng Pilipinas.

Hindi naman na bago para kay Pangulong Marcos na masaksihan ang decommissioning ng naturang illegal firearms.

Nilinaw naman ni PBBM na mayroon ng nagpapatuloy na proseso para sa patuloy na decommissioning ng mga armas sa ilalim ng pagtutulungan ng UN, European Union at iba pang international organizations.

Samantala, ayon sa Presidential Communications Office, nabawasan na ang bilang ng Abu Sayaff terrorists sa Basilan dahil sa proaktibong terrorism strategy ng pamahalaang panlalawigan.