Hangad ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr., na makasungkit ng maraming gold medal sa olympics ang mga Filipinong atleta.
Itoy kasunod ng pagka panalo ni Carlos Yulo ng dalawang gintong medalya sa 2024 Paris Olympics.
Sinabi ng Presidente sa sandaling makaharap at makausap nito ang Pinoy gymnast kaniyang tatanungin kung ano pa ang pwedeng gawin ng gobyerno para mapabuti pa ang kapakanan ng mga atletang pinoy.
Giit ng Presidente na ang kaniyang interes ay dumami ang medalya ng mga Pilipinong atleta.
Kaya hingin nito ang opinyon ni Yulo kung ano pa ang kailangan gawin, kung kailanga ba na palitan ang organisasyon at kung kailangan ba ito pondohan.
Naniniwala si Pangulong Marcos na si Yulo ang tamang tao na kausapin hinggil dito dahil beterano na ito.
Tinanong din si Pangulong Marcos kung dadagdagan pa ang incentives ni Yulo, aniya posibleng madagdagan pa bukod sa P20 million na ibibigay ng gobyerno.
Gayunpamanh sinabi ng Presidente tila hindi na mangangailangan ng pers si Yulo dahil marami na ang nagbigay.