Hangad ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr., na wala ng Filipino ang gutom kaya hiling nito ang whole-of-nation approach para tugunan ang nasabing problema.
Ginawa ng Pangulo ang kaniyang pahayag sa isinagawang ” Walang Gutom Awards” para sa mga local government units na may katangi tanging hakbang para tugunan ang problema sa gutom sa kanilang mga komunidad.
Aniya, dapat magsanib pwersa ng gobyerno, private sector, non-profit organizations at maging ang international community para tugunan ang problema sa kagutuman.
Ang Walang Gutom Award ay pinangunahan ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) at Galing Pook Foundation kung saan 17 LGUs ang pinarangalan bilang best performing Local Government Units (LGUs) sa paglaban sa gutom at malnutrition.
Ipinunto ng Presidente na malaking bagay ang mga hakbang ng LGUs sa national government na layon nitong tuldukan ang gutom sa bansa lalo na duon sa vulnerable sector.
Siniguro naman ng Pangulo na gagawin ng gobyerno ang lahat ng pamamaraan para labanan ang gutom sa bansa.
Kung maalala nilagdaan ng Pangulong Marcos nuong nakaraang taon ang Executive Order No. 44 or the Walang Gutom 2027: The Food Stamp Program bilang isa sa flagship programs ng Marcos Jr., administration