Nananawagan si Pang. Ferdinand Marcos Jr., sa mga kaalyadong bansa at partners na suportahan ang “rules-based international order” upang mapanatili ang kapayapaan at kasaganaan sa rehiyon.
Naniniwala kasi si Pang. Marcos na mahalaga ang pagsunod dito.
Ginawa ng Pangulo ang pahayag sa ginanap na Vin D’Honneur sa palasyo ng Malakanyang kagabi kung saan malugod na tinanggap nina PBBM at First Lady Liza Marcos ang mga miyembro ng diplomatic corps at mga opisyal ng pamahalaan.
Sa talumpati ng Pangulo kaniyang binigyang-diin ang independent foreign policy ng Pilipinas na nag-aangat sa kapayapaan at kooperasyon habang sinisiguro na naipapatupad ang internasyunal na batas.
“For it is only through rules-based international order that peace and development can be achieved,” pahayag ni Pang. Marcos.
Inihayag din ng Pangulo na lumawak pa ang international partnerships ng Pilipinas dahil sa pangako nitong independent foreign policy.
Partikular na tinukoy nitp ang mga pinasok na bilateral engagements and cooperation sa mga traditional partners at sa mga bagong kaalyadong bansa.
Ipinagmalaki din ni Pangulong Marcos ang pagtatayo ng bagong embassies ng Pilipinas Europa at Latin America at plano pa nitong magtayo ng apat pa sa North America, Asia at sa Pacific.
Ibinida din ng Pangulo na nananatiling malakas ang ekonomiya ng Pilipinas sa Asya na lumawak sa 5.8 percent sa unang tatlong quarters ng nakaraang taon.
Umabot din sa P4.42 trillion ang revenue collection ng Pilipinas para sa 2024 katumbas ito ng 16.7 percent ng gross domestic product ng bansa.
Nagkaroon din ng improvement sa credit rating ng bansa na may gradong A-minus.
Ibinahagi din ng Pangulo ang pagbaba ng unemployment rate sa bansa.