Nananawagan si Pangulong Ferdinand Marcos Jr sa Philippine National Police (PNP) at Armed Forces of the Philippines (AFP) na maging propesyunal sa kabila ng isyu ng destabilization plot.
Reaksiyon ito ng Punong Ehekutibo sa mga naging pahayag ni dating Senator Antonio Trillanes.
Dagdag pa ng Pangulo, nirerespeto naman niya ang bawat indibidwal lalo na kung hindi siya binoto ng mga ito, pero dapat magpakita na lamang ng pagiging propesyunal.
Itinanggi din ni Pangulong Marcos Jr., na mayruong nilulutong destablization plot laban sa administrasyon batay sa naging pahayag ni dating Senator Antonio Trillanes na pinangungunahan umano ng PNP.
Sa isang panayam sinabi ng Pangulo na wala siyang nakukuhang report hinggil sa mga ibinunyag ni Sen. Antonio Trillanes.
Aniya, tiyak siya sa suporta ng PNP sa kaniyang liderato lalo na ang mga nasa active police service.
Aminado si Presidente na posible may mga retired police officers ang gumagalaw at sumasama sa mga tangkang destabilization effort.
Wala din nakikitang pangangailangan ang Pangulong Marcos na magsagawa ng loyalty check.
Sabi ng Pangulo hindi tama na tanungin sa mga kapulisan na loyal ba ang mga ito sa kaniya, dahil ang sagot ng mga ito ay siyempre.