Hinamon ni Pangulong Ferdinand Jr. ang mga bagong graduate ng PNPA Layag-Diwa Class of 2024 na gamitin ang teknolohiya sa pagsisilbi at pag protekta sa bayan.
Sinabi ng Pangulo na karamihan ngayon sa mga kadete ay ipinanganak sa kasagsagan ng Internet dahilan sila ay mga tech savvy at digital natives.
Hinikayat nito ang mga bagong police graduates na tumulong sa paglaban sa cybercrime.
Nais din ng pangulo na ipagmalaki ng mga bagong police graduates ang bansa sa kanilang serbisyo gaya nang kung paano nila ginawang proud ang kanilang mga magulang at kaibigan sa kanilang mga nagawang tagumpay.
Si Pangulong Marcos ang guest of honor at keynote speaker ng ika-45th PNPA Commencement Exercises.
Sinabihan din ng Pangulong Marcos ang PNPA cadet corps na pabilibin nila ang bansa gaya ng kanilang ginagawa sa kanilang mga mentor sa akademya kasabay ng mga hamon na kanilang kinaharap.
Ipinunto din ng Punong Ehekutibo sa mga graduating police cadets na ang kanilang career ay hindi nasusukat sa bilis ng kanilang paggalaw ng kanilang ranggo kundi sa kalidad ng serbisyo na kanilang ibinibigay sa bansa at sa sambayanang Filipino.
Binigyang-diin din ng Pangulo na ang serbisyo na kanilang pinasok ay hindi isang paligsahan na nangongolekta ng insignia o premyo ng kanilang mga assignments.
Gawin ang trabaho na walang inaasahang kapalit dahil ang kanilang serbisyo sa bansa ay kanilang premyo.
Hinimok naman nitoi ang mga police gradutaes na palagiang isaisip ang core values ng akademiya.. Justice, Integrity, Service.