-- Advertisements --

Hinikayat ni Pang. Ferdinand Marcos Jr., ang mga foreign investors na maglagak ng investment sa Pilipinas dahil bukas na ang bansa sa mga mamumuhunan.

Ipinagmalaki ng Pangulong Marcos ang mga pagbabago na inilatag ng kaniyang administrasyon lalo na ang ease of doing business sa bansa.

Humarap si Pangulong sa mga business leaders da 10th Asian Conference na ginanap sa bansang Singapore.

Ang nasabing event ay hosted ng Milken Institute na isang non profit at non partisan think tank.

Ayon sa chief executive ang nasabing forum ay nang-aakit ng mga world leaders, CEOs, top executives na nagsisilbing platform para talakayin ang mga most critical economic, social, technological issues at maging sa geopolitical issues na may epekto sa Asia-Pacific, Indo-Pacific at iba pa.

Binigyang-diin ng Chief Executive, na ang Pilipinas ay nananatiling matatag sa layon nito makamit ang economic growth, social progress at sustainable development.

Sa harap ng global volatility, ang Pilipinas ay patuloy na nagpapakita ng remarkable resilience gaya ng patuloy na pagtaas ng GDP sa kabila ng mataas na inflation at global market instability.

Inaasahan din ang patuloy na economic expansion ng Pilipinas ngayong taon.

Ayon sa Pangulo na isang malaking merkado ang Pilipinas na binubuo ng 110 million consumers.

Ibinida din nito ang paglulunsad ng bansa ng Sovereign wealth fund ang Maharlika Investment Fund kung saan layon nito na pagsamahin ang mga investible funds mula sa government financial institutions ng sa gayon mapalakas pa ang economic development ng bansa.