Pinangunahan ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr ang ika 1 Daan at 60 taong kaarawan ng bayaning tinaguruang ang dakilang paralitiko na SI Apolinario Mabini.
Panawagan Naman Ng Chief Executive sa mga kabataan, gawing inspirayson ang Buhay ni Mabini para magpunyagi sa Buhay.
Sa okasyon ay pinarangalan at kinilala ng Pangulo ang pagtitiyaga, determinasyon at talino ng bayaning si Mabini para ipaglaban ang mga mahihirap sa kabila ng kanyang kalagayan.
Dagdag pa ng Pangulo na dapat naipangalan ang ilang mga kalye Kay Gat Apolonario Mabini gaya sa Maynila, Batangas at maging sa ibat- iBang imprastraktura.
Gaya na lamang aniya sa Malacanang na kung saan, ipinangalan ang pinakamalaking gusali sa Malacanang na Mabini Hall.
Dapat lang Sabi Ng Presidente na isunod ang pangalan ng Mabini hall sa bayaning si Apolinario kung saan makikita ang kapwa niya manggagawa sa Office of the President na maihahambjng sa bayani.