-- Advertisements --

Kaisa si Pangulong Ferdinand Marcos jr sa islamic communities sa buong bansa at sa buong mundo sa pag obserba ng holy month ng ramadan.

Sa mensahe sinabi ni Pangulong marcos na ang panahong ito ay tanda ng pagbubunyag ng quran kay propeta muhammad, ang panahon para sa personal na pagninilay nilay, spiritual growth, at bagong pangako sa pananampalataya para sa ating mga kapatid na muslim.

Ayon kay pangulong marcos, ito ang tamang oras para sa lahat na pagnilayan ang ating mga misyon sa buhay, magkalaoob ng kabaitan sa nangangailangan at iangat ang spirit o diwa ng mga taong nakapaligid sa atin.

Pagbibigay diin ng pangulo, ang okasyong ito ay banal na pagdiriwang na nagsisilbing makapangyarihan at daan para sa social transformation.

Sinabi ng Pangulo sa pamamagitan ng panalangin at pagiging maawain umuusbong dito ang pagkakaisa na nagdudulot ng sense of belonging.

Panawagan ng pangulo sa lahat, hanapin ang kahalagahan ng pagiging mapagpakumbaba at dedikasyon sa pamumuhay nang may malalim na pananampalataya.

Hangad ng Presidente ang isang makabuluhan at taimtim na buwan ng Ramadan.