-- Advertisements --

Nanawagan na si Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. sa mga mambabatas na maipasa na ang mga priority bills na una ng sinertipikahan ng Legislative-Executive Development Advisory Council o LEDAC bilang urgent.

Labing pito ito ayon sa Pangulo na kung maaari ay lumusot na Ang mga proposed bill at maging ganap ng mga batas bago matapos ang taon.

Ang mga ito pagbibigay diin ng Chief Executive ay mas inklusibo, people centered o tumutugon sa pangangailangan at kapakanan ng MGA tao at magbibigay ng maraming benepisyo sa manila.

Kapag pumasa aniya ang mga panukala at maging ganap na batas ay makakaambag aniya ito sa pambansang pag-unlad at magpapabuti sa kalagayan ng ating mga kababayan.

Ilan sa mga priority bills na nais ng Pangulo na maging batas bago matapos ang 2024 ay ang Anti-Agricultural Economic Sabotage Act, Anti-Financial Accounts Scamming Act, Amendments to the Government Procurement Reform Act, Mandatory Reserve Officers’ Training Corps at iba pa.