-- Advertisements --

Hinikayat ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr., ang mga local government units (LGUs) na mamuhunan sa nutrisyon lalo na para sa mga buntis na nanay sa kanilang mga nasasakupan.

Binigyang diin ng pangulo ang pangangailangang magpatupad ng mga hakbang o taunang plano para sa nutrisyon ang bawat LGU.

Giit ng Pangulo mahalaga ang human capital dahil ito ang susi tungo sa matagumpay na human nature.

Ayon sa pangulo, hayaan, na ang best practices ng LGUs para sa pagsusulong ng tamang nutrisyon ng kanilang mamamayan ay magsilbing inspirasyon sa iba at gayahin ng mas marami pa lalo na sa malalayong lokalidad para masugpo ang problema ng bansa sa malnutrisyon.

Pagbibigay diin ng Pangulo ang sapat na nutrisyon ay hind lamang nakukuha sa pagkain nang tama kundi pati rin sa paniniguro na may malinis at ligtas na kapaligiran at matiwasay na pamumuhay.

Kailangan din aniyang pairalin ang disiplina sa lahat ng oras, para makamit ang isang tunay na mapayapa, at malusog na lipunan.