Inalala ni President Ferdinan Marcos Jr. ang ngayong araw ang katapangan ni Lapulapu kasabay ng pagdalo nito sa paggunita ng ika 503rd commemoration ng tagumpay ng Mactan sa Lapu-Lapu City.
Ayon sa Pangulo, isa itong malaking hamon lalo na sa mga kabataan na ipagpatuloy ang pagyakap sa mga mithiin ni Lapu-Lapu at ang yaman ng pamana ng bansa.
Napatay ni Lapu-Lapu at ng kanyang mga tauhan ang Portuges na explorer na si Ferdinand Magellan sa Labanan sa Mactan noong Abril 27, 1521.
Si Magellan ay nasa misyon noon para sakupin ang Pilipinas para sa Espanya.
Giit pa ni Marcos na dapat harapin ng mga Pilipino ang hamon at bumangon laban sa mga modernong mapang-api at itaguyod ang pagiging makabayan.
Nagkaroon naman ng muling pagsasadula ng Battle of Mactan sa naturang programa.
Kabilang sa mga personal na dumalo bukod sa pangulo Speaker Martin Romualdez, Special Assistant to the President Antonio Lagdameo Jr., Cebu Governor Gwendolyn Garcia at iba pang opisyal ng gobyerno.