-- Advertisements --

Nanawagan si Pangulong Ferdinand Marcos Jr. sa lahat ng mga Pilipino na humanap ng paraan para makapaglingkod sa kapwa ngayong Semana Santa.

Ayon sa Pangulo, kasabay ng pagninilay-nilay sa pagmamahal at selflessness ni Jesucristo, mas mainam aniya na gumawa ang lahat ng mga hakbang upang ipalaganap ang tunay na pagmamahal at pang-unawa sa mga komunidad.

Ipinapanalangin rin ng Pangulo ang ligtas at makahulugang semana santa para sa lahat.

Kaugnay nito ay hinikayat rin ng Simbahang Katolika ang mga mananampalataya na alalahanin ang pasyon ni Hesukristo kasabay ng kanilang pagsasagawa ng mga religious activities katulad ng Visita Iglesia, processions, at liturgies.

Ayon sa simbahang, ang nasabing mga aktibidad ay nagpapalalim pa sa spiritual commitment at debosyon ng mga mananampalatayang katoliko.