Hinikayat ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr., ang mga taga Northern Mindanao na ibida ang kanilang mga lokal na produkto sa mga social media platforms na malaking tulong sa paglago ng ekonomiya ng rehiyon.
Sa mensahe ng Pangulo, batid nito kung gaano ka-lakas at kaimpluwensiya ang social media lalo na sa pag feature sa mga lokal na produkto.
Binigyang-diin nito hindi lamang produkto ang ipapakita kundi maging ang kanilang magagandang lugar na maaring puntahan ng mga turista kapag nakita ito sa social media.
Aniya kilala ang Northern Mindanao sa mga masasarap na local delicacies na maipagmalaki.
Sabi ng Presidente hindi maikakaila ang pagiging malikhain ng mga Pilipino.
Siniguro din ng Punong Ehekutibo sa mga Mindanaons na magpapatuloy ang pagbibigay ng tulong at suporta ng gobyerno sa mga kababayan natin sa ibat ibang rehiyon sa bansa.
Siniguro din ng Pangulo na walang Pilipinong maiiwanan sa mga serbisyo na ibinibigay ng pamahalaan.
Inihayag ng Pangulo na patuloy ang kanyang gagawing pag- iikot at pagbibigay ng tulong sa mga nangangailangan Lalo na sa mga naspektuhan ng nararanasang tagtuyot.
Maaari naman aniyang iutos na lang niya sa kanyang mga gabinete ang paghahatid ng tulong subalit ang nais aniya Niya ay personal na Makita ang kalagayan ng acting mga kababayan.
Nais din ng Pangulo na marinig niya mismo ang mga hinaing ng taong bayan.
Sa ilalim aniya ng Bagong Pilipinas, walang manlalamang at walang malalamangan habang wala ring mang iiwan at walang maiiwanan.