-- Advertisements --
Hinikayat ni Pang. Ferdinand Marcos Jr. ang mga Pilipino na tangkilikin o panoorin ang mga pelikulang tampok sa Metro Manila Film Festival ngayong taon.
Sa kanyang mensahe, binati ng Pangulo ang MMFF sa kanilang ika-50 na taon ngayon.
Binigyang diin ng Pangulo na ang MMFF ay bahagi na ng buhay at kultura bilang Pilipino dahil ang mga pelikulang bumibida dito ay kwento ng mga Pilipino.
Naniniwala si Pang. Marcos na ang mga kalahok na pelikula ay siguradong magbibigay saya at mag-iiwan ng aral.
Dahil dito hinikayat ng Pangulo ang bawat pamilya at magbabarkada na suportahan ang 10 pelikula ng Metro Manila Film Festival.
Ang MMFF 2024 ay tatagal hanggang January 7, 2025 sa buong bansa.