Pina-alalahanan ni Pang. Ferdinand Marcos Jr ang lahat ng mga opisyal ng gobyerno na ipagpatuloy ang pagbibigay ng tulong duon sa mga biktima ng Severe Tropical Store Kristine.
Dagdag pa ni Presidente na dapat ikunsidera ang hirap na nararanasan ng mga biktima ng kalamidad at huwag isipin na sumuko dulot sa hamong kinakaharap.
Binigyang-diin ng Pangulo sa mga opisyal ng gobyerno na huwag sumuko sa pagtulong, palagiang isipin na lamang ang sitwasyon ng mga kababayan natin na nahihirapan dahil sa sakuna.
Isipin na lamang ng mga opisyal ang mga kababayan natin na lubog sa tubig baha ang mga kanilang lugar, walang suplay ng tubig, walang pagkain at walang lugar na mapuntahan.
Aniya bilang mga opisyal ng pamahalaan hindi dapat ipakita na pagod na sa pagtulong sa ating mga kababayan.
Ipinag-utos naman ng Pangulo sa mga Cabinet members at opisyal ng pamahalaan mula sa mga concerned government agencies na palagiang i-update siya sa epekto ng Bagyong Kristine.
Siniguro naman ng Pangulo sa mga biktima ng typhoon at mga LGUs na 24 oras nagta trabaho ang gobyerno para maibigay ang kaukulang tulong sa mga lugar na lubhang naapektuhan ng Bagyong Kristine.
Iniulat naman ni Department of Social Welfare and Development (DSWD) Secretary Rex Gatchalian kay Pang. Marcos ang pamamahagi na ng nasa 150,752 family food packs para sa biktima ng typhoon kasama ang 3,231 non-food items, na may kabuuang halaga na PhP111,133,601.54.