Humarap si Pangulong Ferdinand Marcos Jr sa mga international traders sa ginqganap na 2024 Philippine Strategic Trade Management Summit (PhSTM) dito sa Taguig City.
Ang summit ay isang mahalagang kaganapan na nakatuon sa pamamahala ng strategic trade sa Pilipinas.
Layon nitong palakasin ang mga pandaigdigang pakikipagsosyo at isulong ang kapayapaan at katatagan sa indo-pacific region.
Tinatalakay sa summit ang mga latest trends, issues at challenges sa STM.
Saklaw ng usaping ito ang teknolohiya at software na magagamit sa sibilyan at militar, at sa paglagap ng Weapons of Mass Destruction.
Dumalo sa event ang mga kilalang internasyonal na personalidad, kabilang ang Under Secretary of State for Arms Control and International Security na si Ambassador Bonnie Jenkins.
Nakatakdang magbigay ng talumpati Pangulong Marcos.
Si Jenkins ay nasa Pilipinas upang makipag – usap sa mga opisyal ng Pilipinas at talakayin ang pagpapabuti ng bilateral na relasyon sa pagitan ng Pilipinas at Estados Unidos.
Ang kaganapang ito ay nagpapakita ng patuloy na pagsisikap na tiyakin ang responsableng mga kasanayan Hindi lamamg sa kalakalan kundi tugunan din ang mga isyu na may kinalaman sa seguridad sa Indo- Pacific Region.