Idineklara ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. bilang Dekada ng Kasaysayan ng Pilipinas ang taong 2023 hanggang 2033.
Ito ay kasabay ng pagdiriwang ng National Historical Commission of the Philippines (NHCP) ng centennial anniversary sa Oktubre 2023.
Sa bisa ng Proclamation 386 na nilagdaan ni PBBM noong Nobyembre 7, nakasaad na nakikiisa ang buong bansa sa NHCP sa pagdiriwang ng milestone na ito sa burukrasya ng PH at binibigyang halaga ang papel ng kasaysayan sa pagtatag ng bansa.
Sa ilalim ng naturang proklamasyon, inaatasan ang NHCO na manguna, makipagtulungan at pangasiwaan ang pag-obserba ng Dekada ng Kasaysayan ng Pilipinas gayundin ang paglalatag ng mga programa, proyekto at mga aktibidad para sa naturang selebrasyon.
Inaanyayahan din ang lahat ng ahensiya at instrumentalities ng pamahalaan kabilang ang government-owned or -controlled corporations, government financial institutions, state universities and colleges, LGUs, NGOs at pribadong sektor na suportahan ang NHCP at makibahagi sa pag-obserba ng naturang okasyon.
Nakatakdang ipagdiwang ng NHCP ang ika-100 anibersaryong pagkakatatag nito sa Oktubre 23, 2033.