-- Advertisements --

Binigyang-diin ni Pangulong Bongbong Marcos Jr, ang kahalagahan sa paggunita ng Araw ng Kagitingan.

Ayon sa Pangulo, layon ng okasyon ngayong araw na ipaalala ang naging sakripisyo ng mga Pilipino, beteranong sundalo man o sibilyan, noong world war 2.

Ayon sa Pangulo mahalaga na gunitain ang Araw ng Kagitingan ng sa gayon mapanatili ang diwa ng kabayanihan.

Mensahe nito na iparating sa bawat Pilipino ang kahalagahan ng pagiging makabayan at ng pagkakaisa sa buong bansa.

” We convene here at the Mount Samat national Shrine – built during my father’s time to memorialize the heoric struggles of Filipinos and their allies during the war, particularly during the Fall of Bataan some 81 years ago,” pahayag ni Pangulong Marcos.

Ipinunto din ng Pangulong Marcos Jr.,” We lost great men and women during that time, ending with the Death of March, our most important triumph though was taht we kept on fighting, and that we never lost hope.”

Ayon naman sa National Historical Commission of the Philippines o NHCP, ang komemorasyon ng Araw ng Kagitingan ay idinaraos tuwing ika-9 ng Abril bawat taon bilang tanda ng pagkatalo ng mga kawal ng Pilipinas at Amerika laban sa mga Hapon na naganap sa nasabing araw noong taong 1942.

Dito rin nagsimula ang sapilitang pagmartsa ng mga Pilipino at Amerikanong sundalo mula Mariveles, Bataan hanggang Capas, Tarlac na tinagurian sa kasaysayan bilang ‘Bataan Death March’.

Sabi ng Pangulo, palagian natin bigyan ng kahalagahan ang spirit of heroism hindi man sa battle field kundi sa pang-araw-araw na hamon na ating kaharapin para depensahan ang ating sarili, ang sambayanan at ang ating bayan.

” We celebrate all the individual acts of valor and of sacrifice. We celebrate the Filipino spirit. We celebrate the Filipino spirit. We celebrate our countrymen’s deep, abiding love of every Filipino: love of our land, love for our people and love for our freedom.”