-- Advertisements --
image 503

Iginiit ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. na walang lugar ang smuggled rice sa lokal na merkado sa bansa

Aniya, kailangang higpitan pa ang pagbabantay ng mga iligal na inangkat na mga bigas kasama ang Bureau of Customs kung saan dapat imbestigahan ang mga mahuhuling nagpapasok ng smuggled na bigas sa bansa.

Ginawa ng Pangulo ang pahayag sa harap ng 3,000 benepisyaryo ng ipinamahaging nasamsam na bigas sa Zamboanga city.

Paglilinaw naman ni Engr. Arthur Sevilla, Jr., District Collector ng Bureau of Customs sa Port Zamboanga na ang pamamahagi sa mga mahihirap na pamilya sa nasabat na 42,180 sako ng ipinuslit na bigas na nagkakahalaga ng P44 million ay hindi iligal dahil properly documented naman ang mga ito.

Aniya, nakakuha sila ng deed of donation na may kasunduan sa pagitan ng Bureau of Customs at Department of Finance.

Ininspeksyon din aniya ang bigas at pumasa naman ito sa quality control bago ipinamahagi bilang donasyon.