Ikinalugod ni Pang.Ferdinand Marcos Jr., ang pagkikita nila ni dating Vice President Leni Robredo sa Sorsogon kahapon.
Sa talumpati ng Punong Ehekutibo kaniyang pinasalamatan si Senate President Chiz Escudero na gumawa ng hakbang tungo sa isang political reconciliation.
Sinabihan ng Pangulo si Escudero na well-done at siya ay natutuwa sa pagkikita nila ni dating VP Leni kung saan sila ay nagkadaupang palad.
Kahapon kasi sinalubong ni VP Leni si PBBM sa Sorsogon, nanduon ang pangulo para pasinayaan ang Sorsogon Sports Arena.
Hindi nagkasama sa stage sina Leni Robredo at PBBM dahil umalis na ang dating pangalawang Pangulo dahil mayruon itong susunod na event.
Kung maalala sina Robredo at Pang Marcos ay mahigpit na magkatunggali nuong 2022 Presidential elections.
” Senate President Chiz Escudero, who has taken a very important step towards political reconciliation yesterday. Well done. I’m so happy you did that, ” pahayag ni Pang. Marcos Jr.