-- Advertisements --

Ikinalugod ni Pang. Ferdinand Marcos Jr ang pagtaas ng kaniyang trust ratings.

Aniya Makakaasa ang publiko na magpapatuloy at hihigitan pa ng pamahalaan ang mga ginagawang hakbang, upang mai-angat ang kalidad ng buhay ng mga Pilipino.

Ang Pahayag ng Pang Marcos Jr. ay kasunod ng pinakahuling resulta ng OCTA research survey kung saan lumalabas na tumaas sa 71% ang trust ratings ng pangulo para sa ikalawang quarter ng 2024, mula sa 69% noong first quarter.

Habang 68% rin ng mga Pilipino ang nagsabi na satisfied sila sa performance ng pangulo, mula sa 65% noong unang quarter ng 2024.

Sabi ni Pangulong Marcos, nakikita na ng publiko ang ginagawa ng pamahalaan, at nararamdaman na nila ang epekto ng mga ito.

Ang mga ganitong resulta ng pagaaral at pigura aniya ay nagsisilbing inspirasyon sa pamahalaan, na ipagpatuloy at higitan pa mga kasalukuyan na nilang ginagawa para sa mga Pilipino.